Survey - Mahal Mo or Mahal Ka?

Survey - Mahal Mo or Mahal Ka?

Mahal mo or Mahal ka?

 

Ito na ata yung tanong na pinaka gasgas at pinaka trending na naencounter ko. Alam ko ang corny at cheesy nya pero andyan na ih, nageffort na akong mag survey. Infairness mas pipiliin ko pang I survey ito kesa sa ' Sinong iboboto mong presidente sa darating na eleksyon'  o kaya naman yung yearly na tanong na ' Ngayong taon na ito pakiramdam mo ba mas umunlad ang bansa kompara sa nakaraang taon? ' . Ano daw! �

 

Medyo challenging rin pala mag survey tungkol sa love, andyan yung sasabihan ka ng kapatid mo ng ' Ate gutom lang yan ' or kaya naman tatawanan ka. Pero above all that, worth it ito itanong sa mga taong close mo, or kahit medyo close lang or kahit hindi mo kakilala, kasi makakakuha ka ng honest na sagot. Yung 100% sure ka na may pinaghuhugutan yung tao. Yung tipong pag sinagot nila yung tanong mo may part ng pagkatao nila na naishashare nila sayo. Hindi bale next survey ko may chocolate na yung mga tao na magpaparticipate. Pero baka 10 na lang yung sample size ko.

 

So eto na nga ang resulta ng survey, out of 50 people na napagtanungan ko 29 katao ang nag sabing mas pipiliin nila yung taong mahal sila kesa sa mahal nila, at 21 katao naman ang nag sabing mas pipiliin parin nila yung taong mahal nila kesa sa taong mahal sila. Ang sakit sa ulo no! Please take note na wala sa choices ang ' depende sa sitwasyon ' . Talagang pinapili ko sila, ang hirap pag may option na it depends. Huwag na natin gawing komplikado ang mga bagay na masyado ng komplikado.

 

Base sa numbers, mas lamang ang mga taong mas gugustuhin yung taong mahal sila kesa sa taong mahal nila. Dito ako nagulat kasi hindi ko inexpect na marami pa lang taong ganito. Eh di syempre nagtanong ako bakit, saka automatic na ata yun pag nag tanong ka about sa love madalas mahaba ang sagot. Dapat pala ang question sa essay sa schools about sa love para mahaba ang explanation ng mga student. Chos!

 

Unahan ko na kayo ha, respeto lang sa point of view ng mga tao. Ibat iba tayo ng opinion, ang boring naman kung pareparehas tayo diba ? Hindi natin ikakayaman ang pag basag sa trip ng iba so please lang let there be peace on earth. 

 

Ayon sa nakakarami, mas okay daw piliin yung taong mahal ka kesa mahal mo. Kasi ... matutunan mo naman daw mahalin yung taong mahal ka pag tagal tagal. Mas masarap daw sa pakiramdam yung may nag mamahal sayo. Pag ang kasama mo daw ay yung taong mahal ka, mas magaan sa pakiramdam kasi tangap ka ng taong yun kahit anong gawin mo, hindi mo kailangan gumawa ng mga bagay na hindi naman talaga natural sayo para lang mapasaya mo yung taong gusto mo. Mas mataas daw yung chance na mag tagal ang relasyon nyo kasi nasasayo na yun kung paano mo ihahandle. Mas liligaya ka kasi once mag mahalan na kayo, super kuntento ka. 😊

 

Dumako naman tayo sa grupo ng mga taong nag sabing mas pipiliin nila yung taong mahal nila kesa sa taong mahal sila. Actually ineexpect ko na mas marami yung pipili nito. Akala ko kasi uso pa ang martir sa panahon ngayon kaso kasabay ata ng climate change ang pag babago ng isip ng tao.

 

Ayon sa kanila, mas pipiliin nila yung taong mahal nila kesa yung mahal sila kasi alam nila sa sarili nila na doon sila sasaya. Kahit na mahirap at masakit mas pipiliin nila maging totoo sa sarili nila kesa maging unfair sa ibang tao. 

 

May mga tao talaga na mas gusto sila yung mas nag bibigay, Bakit? Kasi ganun sila mag mahal. Para sa kanila mas okay na mag take ng risk na mahalin mo yung taong mahal mo kahit na di ka sure kung mutual ba ang feelings niyo. At least, decision mo yun na masaktan ka. Kesa naman pilitin mo pag aralan mahalin ang ibang tao, hindi ka rin naman sigurado na matuturuan mo ang puso mo mag mahal ng iba.

 

Para sa kanila mas madaming masasaktan at mas mahirap lokohin ang sarili. Iba parin yung love na alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang pigilan, hindi mo malabanan, kahit alam mo minsan na mas better na wag na lang sya kaso hindi mo maiwasan, kasi in the first place hindi mo nga alam bakit sya yung mahal mo. Sorry tinamaan ka lang.

 

Ang tindi rin ng mga taong ganito no, pero kahit na minsan one sided love ang nanyayari go parin, kasi ... Minsan yung maliit na bagay na naibibigay sa atin ng mahal natin ay sapat na para punan yung space na exactong kailangan ng puso natin. Minsan, naniniwala tayo na ang tunay na nag mamahal hindi nag eexpect na mamahalin rin sila in return. Okay na yung alam nating masaya sila sa life nila kahit na hindi tayo ang dahilan ng happiness nila. 

 

Syet! Ang lalim ... Asan ang forever sa survey ko? Pero base sa dami ng reasons na natangap ko, malapit ko na ma conclude kung bakit madalas yung taong gusto mo ayaw sayo at yung ayaw mo siya naman yung may gusto sayo. Marahil nakadepende rin ito sa klase ng tao mag mahal. Paano na pag parehas kayong martir at walang mag gigive way sa inyo? Medyo masakit sa bangs nu?

 

The best parin talaga yung mahal mo at mahal ka walang tutorial ng puso na involve at walang martirdome na naganap. Yung tipong nag meet yung eyes nyo tapos suddenly its magic. lol!

 

Pero ganun pa man, kahit anong klase ka mag mahal okay lang yan as long as may respeto ka sa kapwa mo at sa sarili mo. Kahit piliin mo yung mahal ka or mahal mo ang mahalaga pinili mo mag mahal. Hindi na mahalaga kung sino ang importante tunay yung pag mamahal mo. :)

 

 

To leave a comment, please sign in with
or or

Comments (0)